Neo, sorry

Dear Neo,

Sorry nasigawan kita kanina. Di ko na kasi na contain sarili ko eh. Alam ko nag sa struggle ka na pakinggan ang mga demands ko sa buhay. Ang hiniling ko lang naman sayo ay isang simpleng bagay, diba? Sabi ko, sandali lang Neo, pupunta rin tayo sa talyer mamaya para mapa check up ka. Yun yung sinabi ko sa iyo. Sandali lang. Pero hindi moko inintindi. Nag tantrums ka parin.

Para ka namang bata nyan e. Lahat naman ginawa ko para sayo. Lahat ng magandang gamot pinasak ko na sayo para lang di ka magkasakit. Tanda mo pa nung minsang umulan at bumaha pa? Imbes na isipin ko sarili ko, ikaw ang inisip ko. Yung jacket ko binigay ko sayo, pinayungan kita. The next day, dude, nilagnat ako, pero okay lang, basta ikaw, okay ka.

Tapos alam mo, hindi ako naglalagay ng kung anu anu sayo.  Wala akong photo files, movie files o kung anu pa man dahil ayoko na mabigatan ka.

Pag umiinit ka, tinututok ko sayo yung electric fan, di bale ako na yung mainitan, basta ikaw, okay ka.

Binilhan pa kita nung sleeve para di ka masugatan dahil alam ko sensitive ka. Lagi kitang iniintindi, Neo, pero ako ba? :(

Pinaiyak mo pa ko nung isang araw. Panu ba naman, puyat at stressed na nga ako, kung kelan magsesend nalang ako ng file, saka ka na naman nagtantrums?! Wala ka nang piniling oras ah. Alas tres ng madaling araw yun, men! Di naman ako makahanap ng iba dahil madaling araw nga. At syempre, naboom boom pow ako sa boss ko dahil dun.

May impact ba sayo yun? May pakialam ka ba dun?

Kanina, muntik na kitang mabalibag na naman. Ikaw kasi eh, nag iinarte ka. Sabi nang pabukas ng isang tab, BAT AYAW MONG BUKSAN?!

Puno na ang salop, Neo.

Kaya Neo, cool off muna tayo. Dun ka muna sa kapatid ko, baka sya maintindihan ka nya. Baka mas mabigay nya yung mga demands mo dahil tingin ko, nabigay ko naman lahat and yet, ganyan ka parin.

Umayos ka muna, Neo, bago tayo magsama ulit. In the mean time, kay Lenovo muna ko.

Di tayo break, I just need time and space, away from you. I hope you are a better laptop when you come back.

Love,
Your human

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 346 other followers